Saturday, July 5, 2008

ALAMAT NG SIBUYAS

Noong unang panahon sa isang kaharian ay meroon isang naninirahang napakagandang dalaga siya ay si maningning. Ang kanyang mga mata,y parang bituin sa langit na nagniningning, ang kanyang kutis ay mala-porselana, ang mahubog niyang katawan at ang agaw pansin niyang mahabang buhok. Dahil sa kanyang katangian ay maraming kalalakihan ang nabibighani sa kanya . at itinuturing siyang diyosa sa kanilang bayan. Ngunit sa kabila ng kanyang magandang anyo ay meron siyang ugaling di kanais nais. Dahil nga sa siya ay napakaganda naisip niya na dapat ay ang kanyang mapapangasawa ay isang matipuno at gwapong lalaki na dugong maharlika. Maramng lalaki ang sumubok na paibigin ang dalaga ngunit sila’y umuwing luhaan. Hanggang isang ara ay meroong isang dayo na nanligaw kay maningning isa siyang matipuno at gwapong lalaki ngunit sila’y simpleng mamamayan lamang. Sa sobrang pagmamahal niya ay napilitang magsinungaling ang binata sa dalaga at ssinabing sya’y nagmula sa maharlikang angkan. Hindi nagtagal napasagot niya si maningning. Nagmahalan sila ng matagal na panahon. Hanggang sa napansin ng dalaga na hindi siya pinakikilala ng binata sa kanyang pamilya. Naubusan ng dahilan ang binata hanggang sa isang araw nagpasyang ipagtapat ng binata ang tunay niyang estado ng buhay. Nagalit si maningning at iniwan ang binata. Sinabi niyang hindi sapat ang kanyang kaligayahan hanggat walang kayamanan, na hindi niya kayang mabuhay ng simple. At lubos na dinamdam ng binata ang pag-iwan ng dalaga. At bumalik ito sa kanyang ina’ng lumuluha. Sa kabilang banda nagkaroon ng muli ng manliliga ang dalaga na isang prinsipe, at sila’y nagpakasal. Samantalang ang kanyang binatng pinaluha ay namnatay dahil sa sobrang kalungkutan. Dahil sa nangyari ay lubos ang galit ng Ina sa dalaga at nagpasya itong maghiganti. nakaramdam ng panghihina ang dalaga hanggang sa ito’y maging isang gana na “sibuyas”. Inisip na mangkukulang na dapat siya’y magdusa at hindi dapat masaya kaya ito’y kanyang isinumpa.

Pinagmulan ng mga Nars

Matagal ng panahon ang nakakalipas , dalawang planeta noon ang may nakatirang nilalang. Ang planetang mars ang ating mundo. Noong panahong iyon mas higit na nakakaalam ang mga tao sa mars kaysa dahil may taglay silang kapangyarihan at malawak na kaalaman. Tinagurian silang mangkukulam dahilan sa mga kakayahang nagagawa nila. Ngunit sa kabila ng lahat , nakatakda paring isilang ang nilalang na magiging balikid sa lahat .

Sa kabilang dako ang mga tao noon na naninirahan sa mundo ay may payak na pamumuhay at may paniniwalang sila lang ang maaaring nilalang noon. Isang gabi sa bayan ng Luntian ay may bumagsak na isang kristal galing sa kalawakan na may mensaheng “Humiling lang sa oras ng pangangailangan at ingatan upang huwag mabitawan” ibig sabihin ng mensaheng ito kapag nabagsak ang kristal ay sya ring pagbagsak ng kadiliman. Sa bayan ng Luntian ang pamilya ni Mang Tasyo ang nakakuha ng kristal. Itinago ni Mang Tasyo ang kristal at hanggang kaya pa nila ang lahat wala silang balak gamitin ang kapangyarihan ng kristal sapagkat hinggil sa kanilang kaalaman ay may magiging kapalit ang lahat .

Nang isang araw nagkasakit ang kanyang anak na babae walang may alam na sino man kung paano gamutin ito. Nang nakikita nilang nanginginig na ang anak ni Mang Tasyo hindi sila nagdalawang isip pang gamitin ang kristal at lumitaw ang isang nilalang na nagngangalang Narcia. Nakaputing damit at kakaiba hindi tulad ng ordinaryong nilalang. Agad na pinuntahan ni Narcia ang batang maysakit at isang dampi palang dito ay agad siyang gumaling hanggang sa sunod-sunod ng dumating ang mga taong nagpapagamot at napag-alaman nilang ang mangkukulam ay galing sa planetang mars. Naging maganda ang samahan ng tao sa mga taga mars

Hanggang ilang Linggo ang nakaraan dala narin ng pagkawalang bahala ni Mang Tasyo di niya napansin na naipatong niya ang kristal sa ibabaw ng mesa at sa pagdaan ng anak ni Mang Tasyo doon nasagi at bumagsak ang kristal. Simula noon dumami ang nagpagamot kay Narcia hindi lang sa bayan ng Luntian kundi pati sa buong bansa. Hindi na kinaya ni Narcia ang pagpapagaling sa mga tao kung kaya’t kinailangan nya ang tulong ng ibang taga mars. Kasabay ng pagdating ng mga taga mars ang pagkalat ng epidemya sa mundo kung kaya’t napagpasyahan ng mga taga mars na maghiwahiwalay. Sa pagsasaliksik ni Narcia doon niya nalaman na nasa mundo narin ang salot na si Demia. Sa kagustuhang makatulong ni Narcia nakipagtuos siya kay Demia sa lugar na walang madadamay at sa lakas ni Demia nasugatan si Narcia,patuloy parin siyang nakipaglaban sa kabila ng lahat hanggang magapi niya si Demia at maka-ilang sandali lang hindi na nakaya ni Narcia dahil sa natamo niyang sugat. Naging abo na lang ang dalawa kasabay ng paglaho ng mga taga mars at ang epidemya na kumalat. Ang abo ng mga taga mars ay bumudbod sa sanlibutan at kung sino man ang madampian nito ay may posibilidad na makakapagpagaling mag-aalaga ng sanlibutan tulad nila. Ang abo naman ni Demia ay kumalat rin sa sanlibutan at nagsasabing ang sakit ay nasa paligid lang anumang oras o lugar.

Kaya naman sa kabayanihang ginawa ni Narcia at mga taong taga mars nanatili parin sa isipan ng mga tao kabutihang ginawa nila. Simula noon sa pinagsamang pangalan ni Narcia at mars tinawag na “Nars o Nurse” ang mga taong may kakayahan magpagaling ng kapwa nila.

Alamat ng iguana

“Ang alamat ng Iguana”

Noong unang panahon, matatanaw sa di kalayuang lugar ang bundok Iba. Maraming nagsasabi na ang lugar daw na ito ay mahiwaga, sapagkat mayroon daw ditong isang napakagandang babaeng naninirahan na may angking kapangyarihan. Ayon sa mga sabi-sabi, ang pangalan daw niya ay Sophia. Pinaniniwalaan ng marami na isa siyang diwata, ngunit ayon naman sa iba ay isang mangkukulam. Ayon sa matandang sabi-sabi, kung ikaw daw ay may minimithing napakahalagang bagay, ay lumapit ka lamang sa kanya. Kung ikaw ay papalarin, ikaw ay kanyang pagbibigyan, ngunit kung hindi naman, kukuhanin niya ang iyong kaluluwa at habambuhay ka na niyang ikukulong sa kanyang mahiwagang botelya, na magdadala sayo sa walang katapusang kahirapan. Walang makapagsabi kung bakit ito ginagawa ni Sophia, ni wala ring makapagsabi kung totoo nga ito sapagkat ni isa sa kanila ay walang sumubok na lumapit sa bundok na ito.
Sa paglipas ng ilang taon, may isang binatilyong nagngangangalang Guana ang nagsubok makapasok rito, upang hilingin ang paggaling ng kanyang ina. Tatlong taon nang naghihirap ang kanyang ina sa malubhang karamdaman, at dahil kapos sa kaalaman at salapi, wala siyang trabaho at ipong makuhanan ng ipagpapagamot sa kanyang ina. Wala na rin silang mga kamag-anak na malapitan sapagkat iniwan na sila ng mga ito dahil sa hindi nila pagkakasunduan. Iniwan na rin naman sila ng kanyang sariling ama, kung kaya’t sila na lamang dalawa ang nagaalaga at nagdadamayan sa isa’t-isa. Kaya naman kahit may dala-dalang takot sa puso na maaaring hindi na makabalik sa piling ng ina, at walang mag-pagamot dito ay tumuloy pa rin siya.
Naging mahirap para sa kanya ang paghahanap kay Sophia dahil hindi naman niya kabisa ang daan doon. Sa pagdating niya sa kalagitnaan ng bundok, natagpuan niya ang isang napakalinis na batis. Nang dumukwang siya rito upang uminom, biglang lumitaw sa gitna ng batis ang isang napakagandang babae. Sa loob-loob niya, ito na siguro si Sophia na siyang makakatulong sa kanya. Kung kaya’t nang makalapit ito sa kanya, dalidali siyang lumuhod dito at nagmakaawa. Agad niyang sinabi ang pakay niya gayundin ang kwento ng kanyang buhay. Habang siya’y nagkukuwento, patuloy ang pag-tulo ng kanyang luha sa kanyang mukha, sa habag sa kahirapang kanilang nararanasan. Nahabag naman si Sophia sa kanyang nakita at narinig, sapagkat ramdam na ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng binata. Kung kaya’t ipinagkaloob niya ang ninanais nito, pati na rin ng sapat na salapi para sa pang-araw-araw na pangangailangan nila.
Sa pagbabalik niya sa kanilang tahanan, natagpuan niya na magaling na ang kanyang ina, kung kaya’t labis labis ang kanyang naging pasasalamat kay Sophia. Dahil sa pangyayaring ito, bumalik siya sa bundok upang magpasalamat dito. Nakapagkwentuhan din sila sa pananatili doon ng binata, kung kaya’t naging magkaibigan sila na naging dahilan upang araw-araw bumalik si Guana sa nasabing bundok. Nahulog naman ang loob ni Sophia kay Guana at nang malaman ito ni Guana, pumasok ang maitim na balak sa kanyang isipan. Nagpanggap siyang may nararamdamam din para sa dalaga, upang patuloy na makahingi ng mga pangangailangan niya. Dahil minamahal siya ni Sophia, lahat ng hinihiling nito sa kanya ay ipinagkakaloob niya. Ngunit, nagbunga lamang ito ng pagkakaroon ng maraming bisyo ni Guana. Na sa tuwing mauubusan siya ng salapi, bumabalik siya sa Bundok Iba upang humingi uli ng salapi kay Sophia. Natuto si Guanang manloko at mang-api ng kapwa para lamang sa salapi. Nabulag siya ng kinang nito na kung minsan, ang pambili pa ng pagkain ng kanyang ina ang ginagamit niya sa sugal at pambababae.
Hindi ito nalingid sa kaalaman ni Sophia dahil nakita niya ang lahat ng bagay na ito sa kanyang mahiwagang talon, na siyang salamin niya sa labas ng bundok. Nakita niya kung paanong nagbalat-kayo si Guana para lamang makapanloko ng iba at magkaroon ng maraming pera. Naging mapagbalat-kayo rin ito sa nararamdaman para sa kanya, gayundin sa kapwa niya. Kung kaya’t kahit masakit, nagdesisyon siya na isinumpa ito alang-alang sa ikabubuti ng marami.
Sa muling pagbabalik ni Guana, doon natupad ang sumpang sa kanya ay idinapo ni Sophia.
“Guana, sinayang mo ang tiwala at pagmamahal na ipinagkaloob ko sa iyo. Naging ganid ka at natutong manloko para lamang sa salapi. Naging mapagbalat-kayo ka sa iyong nararamdaman gayundin sa iba para mailigtas ang iyong sarili, kahit ikakapahamak pa ng iba lalo pa ng sarili mong ina. At hinding-hindi ko ito mapapalampas, kung kaya’t bilang kaparusahan sa iyong kapangahasan, gagawin kitang isang Iguana na siyang kakatakutan ng marami, nagpasasa ka sa kasarapan ng buhay kung kaya't simula ngayon, wala ka ng iba pang kakainin kundi pawang mga insekto na lamang. Magkakaroon ka rin ng kakayahang magpalit ng kulay ng balat, tanda ng iyong pagiging mapagbalat-kayo para lamang makapagtago sa kapahamakan mula sa iyong kapwa”, ani ni Sophia.
At sa isang iglap, natupad ang sumpa kay Guana. Hindi na siya nagkaroon ng kakayahan upang makapanlamang sa iba, bilang isang Iguana.
Ni:
Tolentino, April May C.
BSN 2-8

"Alamat ng litson"

Sa isang liblib na lugar sa bayan ng laguna,ay mayroon mag-asawang tahimik na namumuhay.Sila ay may anak na lalaki na ang pangalan ay lito na ubod ng likot at tamad. Si mang Andoy naman ay kabaligtaran ng kanyang anak dahil sa sobrang sipag nito,bagama't matanda na ay palagi parin nasa bukid upang magsaka. Si Aling kulot naman naman ang siyang nagaasikaso sa mga gawaing bahay.

Isang umaga ay inutusan ni Aling kulot si Lito na bumaba ng bundok upang bumili ng gamot dahil sumusumpong na naman ang sakit ng tatay nito.ngunit dahil sa katamaran ay binalewala nalang ni lito ang utos ng kanyang ina at sa halip ay nakipaglaro na lang sa mga kaibigan.dahil doon ay napilitan nalang si aling kulot na magisang bumaba ng bundok at iwan ang asawang may sakit.habang papauwi na si aling kulot ay natanaw niya ang maraming tao sa kanilang bahay,at doon ay nabigla siya ng makita niya si litong umiiyak. agad tumakbo si lito sa kanyang ina at niyakap ng mahigpit.wika ni lito"inay magbago na po ako at susundin ko na ang mga utos niyo,pangako. napaiyak naman si aling kulot at niyakap din niya ng mahigpit ang anak.

Pagkalipas ng ilang araw ay napagpasyahan nalang ng mag-ina na ipagbili ang lupang sakahan na naiwan ng namatay na si mang Andoy. Dahil sa malaking salaping napagbentahan,ay naisipan nilang ipundar ang pera sa pagaalaga ng baboy.pagkalipas ng ilang taon ay naparami nila ang kanilang baboy dahil sa magandang pagaalaga dito.

Isang araw, inutusan ni aling kulot si lito na bantayan ang kanyang nilulutong kakanin sa tabi ng kulungan ng baboy dahil kailangan na niyang mamalengke sa bayan. pagkaalis ni aling kulot ay nakipaglaro na agad si lito sa kanyang mga kaibigan at nalimutan na niyang may pinapagawa nga pala sa kanya ang ina. pagkalipas ng ilang oras ay nabalot ng makapal na usok ang kapaligiran,at doo'y umalingasaw ang napakabangong amoy na naging dahilan ng paglalabasan ng tao,tumakbo si lito ng mabils sa kanila at pinigilan ang pagkalat ng apoy,ngunit huli na ang lahat dahil nasunog na ng apoy ang lahat ng alaga nilang baboy. Agad naman nagpuntahan ang buong mamayan sa likod nang kanilang bahay upang tikman ang baboy na nilamon ng malaking apoy,at doo'y nagustuhan nang bawat isa ang lasa..

Dahil sa pangyayaring iyon ay tinawag nila ang putaheng iyon na hango sa pangalan ni lito"Litson",mag mula noon ay naging tradisyon na ng kanilang bayan ng maglitson tuwing sasapit ang kanilang kapistahan..


JERVY VILLEGAS
BSN 2-8

Ang Alamat ng Hangin



Si Haling, anak ng Sultang Kurimaw, ay isang maganda at maputing dalaga। May matangos na ilong, mapupulang labi at nangingintab sa kaitiman na mahabang buhok. Lahat na nga ng katangian na isinaboy ng Lumikha sa mundo ay napasakamay niya. Kaya naman, di maikakailang maraming babae ang naiingit sa kanya. Sa kabila ng halos perpektong katangian niya, ay may isang Haling na nagtatago sa kanyang likuran. Isang bata na hindi kuntento sa kung ano ang meron siya. Isang bata na lahat ng gustuhin ay dapat masunod. Isang batang pilya na gagawin lahat, kahit makasakit ng kapwa, mapunan lang ang lahat ng luho.

Nung minsang ang kanyang katulong sa bahay ay naglilinis sa loob ng kanyang aparador, pasadya niyang sinipa ang pinto at nakulong ng wala sa oras ang katulong. Umiiyak na sa paghingi ng tulong ang katulong, ngunit wala siyang ginagawa at palihim pa niya itong pinagtatawanan. Minsan namang nagdidilig sa hardin ang kanilang hardinero, ay papilya niyang pinag-sisisipa at pinag-sisisira ang mga halaman, bulaklak at pati mga pananim na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanilang hardinero sa kanyang trabaho. Hindi pa doon nagtatapos ang kapilyahan ni Haling. Nung naglalaro sila ng kanyang kaibigan sa salas, pasadya niyang ginupitan ng pagkahaba-haba ang buhok ng kaibigan at sinabi na parte pa din iyon ng kanilang paglalaro. Masayang-masaya si Haling sa lahat ng kapilyahang ginagawa niya sa lahat ng tao na nakikita niya sa kanyang paligid.

Narindi na dahil sa pighati at pag-iyak ng mga tao ang Diyosa, kaya nagpasya itong magpakita kay Haling upang pagbalaan. Dahil sa labis na pagkapilya, hindi nagulat si Haling sa papapapakita ng Diyosa, bagkus, nilait-lait muna niya ito at pinagtawanan. Dahil siguro sa kakaiba nitong pananamit dahil nga sa isa siyang Diyosa. Hindi kumibo ang Diyosa dahil batid na niyang likas na iyon kay Haling, kaya hinayaan na lang niya ito at hinantay na matapos. Nang matapos na si Haling sa kakatawa, pataray siyang humarap sa Diyosa at dali-daliang sinabi, “sino ka naman at bakit ka nandirito sa aking kwarto?” Hindi sumagot sa tanong ni Haling ang Diyosa, bagkus, ito ay lumutang sa ere at sabay sabing, “sobra na ang iyong kapilyahan, dapat ka ng parusahan. Unti-unti kong kukunin mula sa iyo ang iyong mga mahal sa buhay at sisimulan ko ito sa iyong ama.” Hindi natinag si Haling at sinabi pa niya sa Diyosa, “ hindi ako natatakot sa mga pinagsasabi mo at wala akong pakialam sa’yo.” Hindi pa tapos sa pagsasalita si Haling ay bigla na lang kuminang ang Diyosa at ito ay naglaho. Nabigla si Haling dahil nawala nalang ng parang bula ang Diyosa kaya napabulong na lang ito sa sarili na, “naiingit lang siya sa akin dahil ‘di hamak na mas maganda ako sa kanya.” At sinundan pa ito ng malalakas na tawa.

Isang araw, tinamaan ng hindi maipaliwanag na sakit ang Sultang Kurimaw. Dahil sa nag-iisang anak at nais maging atraksyon sa palasyo, ang anak niyang si Haling ay gumawa ng mga paraan upang malunasan ito. Nagpaimbento ng mga kakaibang gamot, lumapit sa mga iba’t-ibang albularyo at maging ang pagkonsulta sa mga kulto ay ginawa na niya. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakalunas, ni nakabawas sa karamdamang nakalapat ngayon sa katawan ng Sultang Kurimaw. Halos sampung araw na simula nung siya’y tamaan nito at maging hanggang ngayon ay wala pa ring nakakalunas dito. Natatakot na si Halina sa mga nangyayari sa ama sapagkat ito ay nag-aagaw buhay na. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ni Haling sa mga nangyayari, kumaripas siya ng takbo palabas ng palasyo at nagpalabas ng malakas na panaghoy habang nananakbo. Isang oras at kalahati na siyang nag-iiiyak sa tabi ng magpasya na ang Diyosa na magpakita kay Haling. Nagunita ni Haling ang presensya ng Diyosa at ito ay tumayo. Walang pakundangan niyang sinisi ang Diyosa kahit wala pa siyang katunayan na ito nga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kakaibang sakit ang kanyang ama. Sinabi niya na ang Diyosa ang lumikha ng sakit at pautos niyang sinabi na alisin niya ito agad-agaran. Hindi na lang muna kumibo ang Diyosa dahil ayaw niyang sabayan ang galit ni Haling. Nang matapos na si Haling sa pagbubulyaw, nagsalita na ang Diyosa at ang sabi. “Ako nga ang siyang may gawa ng sakit na nararamdaman ngayon ng iyong ama, ngunit may dahilan ako kung bakit ko ito ginawa. Ginawa ko ito upang baguhin mo na ang iyong masamang ugali at upang sa ikaw ay matuto. At upang maranasan mo ang masaktan, upang matigil na ang iyong kapilyahan. Ginawa ko ito upang matuto ka.” Hindi nakakibo si Haling. Nagulat siya sa lahat ng mga sinabi ng Diyosa. Sampung minuto siyang nanahimik at nag-isip. Tumigil na si Haling sa pag-iyak pagkatapos ng ilang oras at naki-usap na siya ay patawarin na siya ng Diyosa at bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon. Naramdaman naman ng Diyosa ang malinis na hangarin at taos-pusong pagsisisi ni Haling, kaya nagpasya na itong alisin ang sakit sa Sultan ngunit sa isang kundisyon. Mawawala si Haling at ‘di na muli pang makikita, mawawala rin ang sakit. Sa labis na pagmamahal ni Haling sa kanyang ama ay nagpasya itong pumayag sa kasunduan.

Gumaling na nga ang Sultan at muling sumaya ang kaharian. Nagdiwang ang buong kaharian at napuno ng kasiyahan ang apat na sulok nito. Sa kalagitnaan ng pagsasaya ay namalayan ng Sultan na wala ang kanyang anak. Nagulo ang lahat at ipinahanap ng Sultan ang kanyang anak sa lahat ng kanyang mga kawal. Sa pagdaan ng oras, wala ni isa ang nakakita kay Haling. Dumaan ang ilan pang mga araw, ngunit ni kahit isang bakas ni Haling ay walang nakakita. Hindi na alam ng Sultan ang kanyang gagawin. Dahil sa likas na mabuti ang Diyosa, nagpasya ito na magpakita sa Sultan at ipinaliwanag nito ang lahat ng kaganapan. Mula sa kapilyahan ni Haling, sa sakit na dinanas ng Sultan at hanggang sa kasunduan nila ni Haling. Pagkatapos ibahagi ng Diyosa ang lahat, napaiyak at ‘di makapaniwala ang Sultan sa mga narinig niya. Hindi niya kasi lubos maisip na ang pinakamamahal niyang anak ay may tinatago pa lang masamang ugali. Naglaho na ang Diyosa at nagsimula na ang Sultan sa pag-iyak. Walang magawa si Haling sa kalagayan ng ama. Napaiyak na lang din siya sa mga nakikita ng kanyang dalawang mata. Tunay ngang napaka- maawain ng Diyosa at binasbasan niya si Haling upang kahit hindi siya makita ay maramdaman naman siya. Sa kalagitnaan ng pag-iyak ng Sultan, ay nakadama siya ng dampi mula sa isang bagay na ‘di nakikita. Hindi alam ng Sultan na ang bagay na ito ay si Halina na nakayakap sa kanya, kaya nagpatuloy pa din ito sa pag-iiyak. Habang lumalala ang paghihirap ng Sultan ay siya namang higpit ng pagkakayakap ng bagay na hindi nakikita. Bigla na lang pumasok sa gunita ng Sultan ang anak niyang si Halina dahil pamilyar ang pagkakahigpit ng bagay na hindi nakikita sa Sultan. Naaalala ng Sultan ang yakap ni Haling dahil sa bagay na iyon na hindi nakikita.

Sa pagdaan ng araw ay hindi pa rin humihiwalay ang bagay na hindi nakikita sa Sultan kaya nagpasya itong isipin na lang na ang bagay na hindi nakikitang iyon ay ang kanyang pinakamamahal na anak. Ibinatay ng Sultan ang pangalan ng bagay na hindi nakikita sa pangalan mismo ng kanyang pinaka-mamahal na anak, na di naglaon ay kinasanayan na itong tawagin na “hangin” na binigyan interpretasyon ng mga tao sa palasyo na ang ibig sabihin ay “wagas na pagmamahal na hindi nakikita ngunit nararamdaman.”


Vasadre, Carlo Angelo E.

BSN 2-8

ANG DIYOSA AT ANG HALIMAW


Noong unang panahon, sa isang liblib at tagong lugar sa isang hindi kilalang bario sa tuktok ng bundok ng hibok-hibok nakatira ang isang dalagang may kakaibang wangis na taglay. Siya ay may mala-diwatang kagandahan, taglay ang makintab na buhok at mapupulang mga labi. Mag-isang naninirahan ang dalaga sa tuktok ng bundok at animoy siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay na abot ng kanyang tanaw. Wala s'yang mga magulang at higit sa lahat, walang ibang tao ang naninirahan sa lugar na iyon maliban sa kanya. Mahilig siyang makipag-usap sa mga bagay sa paligid nya, marahil ay talagang likas sa kanya ng pagiging malapit sa kalikasan. Napapaamo nya ng mga hayop at nakaka-usap ang mga ibon sa himpapawid, malaya nyang nauutusan ang hangin, ulan at araw.


Isang araw sa kanyang pamamasyal, mayroong isang mangangaso ang napadpad sa lugar na iyon. Sa madaling panahong iyon ay nagkagusto n kaagad ang lalaki sa magandang dalaga. Minarapat nya na lapitan ang dalaga subalit ito'y naging mailap at natakot nang kanyang makita ng lalaking mangangaso. Ngunit hindi tinigilan ng lalaki ang dalaga, at dahil init ng ulo ang namayani sa kanya, sinabi sa sarili na hinding-hindi s'ya titigil hangga't hindi napapasa-kamay ang dalaga.


Sinuyod ng mapangahas na mangangaso ang buong kagubatan. at nang kanyang matagpuan ay sapilitang kinaladkad ang dalaga upang dalhin sa kanayunan. Ngunit bago pa man ito nangyari, bumukal ang isang napakalaking liwanag at ang dalaga ay nangusap, at ito ang kanyang sinabi " ang iyong kapusukan ang magdadala sa'yo sa dusa! at bilang isang diyosa, imuutusan ko ang aking kapangyarihan upang bigyan ka ng masama at kakilkilabot na anyo upang sa gayon, iwasan at itakwil ka ng lahat ng tao". Nangyari nga ang kanyang sinabi at habang buhay itong pinagdusahan ng lalaki.




BY: L.A.Q. ZUMARRAGA

ALAMAT NG ULING

ANG ALAMAT NG ULING

Noong unang panahon sa maliit n bayan ng Putis ay naninirahan ang iba’t ibang klase ng tao, ilan dito ay ang pamilya ni OLIN. Si OLIN ay isang magada, walang tao ang hindi pumapansin sa kanya lalo na sa napakakinis at napakaputi nitong balat, ang sunod nman ay ang pamilya ni TAKIM siya ang may pinakakaibang balat sa buong bayan, ika nga parang nasunog sa sobrang itim.
Isang araw nagkita sina OLIN at TAKIM, ng makita ito ni OLIN ay halos bumaliktad ang sikmura nito sa sobrang pandidiri, hindi nman maitatago ang lungkot at pagkaglit ni TAKIM. Nang malaman ni OLIN na sa iisang bayan lamang sila naninirahan ay agad na ipinagkalat niya sa mga tao ang tungkol kay TAKIM, kaya’t halos ng makakasalubong nito ay namimilipit sa katatawa, walang ibang marinig si TAKIM kung hindi ang “ naku! tignan nyo nga ako ang puti-puti ko, mamula-mula ang kutis ko’ lalo na si OLIN. Halos magdilim ang paningin ni TAKIM sa sobrang pagkagalit.ang hindi alam ni OLIN ay maraming kaka-ibang kaibigan si TAKIM lalo na sa lugar na iyon, binabantayan nila lahat ng kilos nito, bawat salita na binabanggit niya tungkol kay TAKIM ay may parusa silang ipapataw.
Nang may ilang araw patuloy pa rin ang masasakit na mga salita ang lumalabas kay OLIN hanggang sa napuno na ang mga kaibigan ni TAKIM, walang araw ang lumipas na hindi niya tinitigilan si TAKIM kaya’t hanngang sa panagiginip ay si TAKIM pa rin ang nasa kanyang isip. Dumating ang araw na punong –puno na ang mga nilalang sa ilalim ng lupa kaya’t nagisip ng plano ang mga ito para matulungan si TAKIM at iyon ay ang maranasan ni OLIN ang mga nararanasan ni TAKIM. Sa isang masamang panaginip nang himasok ang mga taga lupa at iyon ang simula ng paghihirap ni OLIN, sa kanyang panaginip puro pasakit ang kanyang nararanasan hanggang sa unti-unti ng nagkakatotoo ang lahat, sinabi sa kanya ni TAKIM, “ lahat ng pangungutya mo sa akin, balang araw babalik at babalik sa’yo,” nagsimula ng matakot si OLIN hanggang sa pagtulog ay dala dala niya sa kanyang isip ang lahat. Nagsisimula na naman siyang managinip ngunit sa panaginip na ito ay magiging totoo ang lahat, parang may kakaibang nararamdaman si OLIN at sa kanyang paggising ay nagsisigaw ito, “tulungan nyo ko nasusunog ang buong katawan” wala ni isa mang nakarinig kay OLIN kaya’t nasunog ito hanngang sa maghihiwalay at maging kulay itim ang lahat, hanggang sa natagpuan itong patuloy na nagbabaga.
Mula noon ay patuloy pa rin nagbabaga si OLIN sa hiwahiwalay kulay itim nitong katawan. Hanggang nagtagal si OLIN at tinawag na ULING.
Patuloy parin itong ginagamit sa kasalukuyan.kaya’t lahat ng tao doon ay gumagamit nito tanda na rin ng ala-ala ni OLIN.






BY: MARY ANNE D. VILLANUEVA
BSN 2-8

Ang Alamat ng Medyas

Noong unang panahon wala pang ibang panoot sa paa ang mga tao sa sapatos. Sa bayan ng Paahan may nakatirang mag-asawa na may kaisa-isang anak, ang pangalan niya ay Mediya. Siya ay lumaking maganda ngunit may di magandang ugali, inggitera at mapagmataas. Wala na itong ginawa kung di ang pintasan ang ibang tao. Isang araw may dumating silang bagong kapitbahay at may anak itong napakagandang dalaga, si Toyang. Kabaliktaran ng ugali ni Toyang si Mediya, siya ay mabait at mapagkumbaba sa kabila ng pagiging anak ng isang negosyante. Dahil dito marami siyang naging kaibigan at marami rin mga nahumaling na kalalakihan sa kanya isa na rito ang matalik na kaibigan ni Mediya na si Goku. Naghatid ito ng matinding inggit at galit sa dibdib ni Mediya, mula noon ay nagkaroon na ng hindi magandang pakikitungo si Mediya dito. Sa tuwi na lamang ay sinisiraan ni Mediya si Toyang sa iba nilang kapitbahay. Sa di inaasahang pangyayari nalugi sa negosyo ang pamilya ni Toyang at sila ay naghirap. Ikinatuwa naman ito ni Mediya, ipinagkalat niya na kaya naghirap ang mga ito ay dahil sa manggagantso at manloloko ang mga ito na hindi naman totoo. Dahil sa kahirapan napilitan ang ina ni Toyang na mamasukan kina Mediya. Lagi na lamang inaaway at nilalait ni Mediya ang ina ni Toyang. Isang gabi, pinuntahan ni Toyang ang kanyang ina upang sunduin. Naabutan niya na sinisigawan ni Mediya ang kanyang ina dahil sa nabasag nito ang salamin. Nakiusap siya na wag ng pagalitan at babayaran na lamang ang salamin na nabasag ngunit sa halip na tumigil si Mediya ay lalo itong nag ngitngit sa galit, sinabi pa nito na hampas lupa at manloloko ang mag-ina at hindi na nila mababayaran ang salamin. Di pa nasiyahan at itinulak pa niya ang mag-ina sa ulanan na siyang ikinasugat ng paa ng ina ni Toyang. Lumuluha na naglalakad pauwi ang mag-ina, hindi kinaya ng ina ni Toyang kaya ito'y ngkasakit at nagkaroon ng mga paltos sa paa dahil sa sapatos. lumipas ang mga araw ay lalong lumubha ito at namatay. Naging balita ito sa kanilang bayan. Lubhang nagalit si Toyang kay Mediya kaya't kanya itong isinumpa. "Ang isang katulad mong inggitera at mapang-api ay dapat turuan ng leksyon'', iyon ang huling kataga ni Toyang at ito'y naglaho na lamang sa kanilang bayan. Nagkibit balikat naman si Mediya, nasiyahan pa ito at sa wakas wala na siyang karibal sa puso ni Goku, wala na rin ang kinaiinggitan niya. Ganon na lamang ang pagkagulat ng magulang ni Mediya isang umaga ng di nila ito matagpuan kahit saan. Wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan ito, tanging ang nakita na lamang nila sa higaan nito ang isang kapirasong tela na animo'y isang maliit na sako na sing laki ng kanilang mga paa. Nabalitaan ito sa kanilang bayan at nagkaroon ng usap usapan na ito'y maaaring si Mediya, bilang parusa sa kanya dahil sa pagiging mapang-api nito, at upang pagbayaran nito ang nagawang kasalanan sa mag-ina. Hindi naglaon ginamit nila ito sa paa upang maprotektahan sa paltos at sugat na mula sa sapatos,tinawag nila ang maliit na tela na Medyas, hango sa pangalang Mediya. Na nagpapa alala sa kwento ng mag-ina, na kaya isang pares ay sumasagisag sa mag-ina na inapi ni Mediya at naging parusa kay sa kanya na pangalaagaan ang paa laban sa sugat na dapat ay kanyang ginawa sa mag-ina. Ganun din ang baho ng paa ay kanyang maamoy, na parusa naman sa pagiging mapanira sa kapwa, ang pagpansin sa baho ng iba bago ang kanyang sarili.

by: JHENYN F. VARGAS
Alamat ng Bola

Sa isang liblib at malayong pook, may isang mayamang mag-asawa na pinagkalooban ng isang napakalusog na batang lalaki, katangi- tangi ang batang ito dahil siya ay sobarang bilugan. Ang batang ito ay nagngangalang AMBO ngunit mas kilala siya sa tawag na BO. Habang siya ay tumatanda,hindi siya tumangkad at sa halip ay lalong bumibilog. Ngunit hindi niya ito alintana dahil sa pagkasabik at kasayahan na nadarama niya sa tuwing makakakita siya ng maraming pagkain sa kanilang hapag-kainan. Dahil sa pagiging anak- mayaman, hindi siya gumagawa sa kanilang tahanan kahit ng mga simpleng bagay lamang. Hindi rin siya masyadong lumalabas sa kanilang tahanan dahil tamad siyang magpalakad-lakad. Halos na lang yata ng Gawain ay inaasa niya sa mga kasambahay. Wala siyang ginawa kundi ang kumain na naging dahilan ng kanyang tuloy-tuloy na paglobo. Hindi niya pinakikinggan ang lahat ng mga paalala ng kanyang mga magulang na labis ng nag-aalala sa kalagayan ni Bo. Isang gabi, maraming pagkain ang nakalabas sa lamesa ng kanilang kusina,kinuha niya ang mga ito at dinala sa kanyang silid ng hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang. Subalit nakita siya ng isang katulong at hiniling n asana ay mabigyan ng leksiyon si Ambo. Ngunit hindi ito napansin ni Ambo at sa halip ay kumain siya ng kumain hanggang sa maramdaman niya na tila nilalamon ng kanyang katawan ang kanyang mga kamay at mga paa,pati na rin ang kanyang ulo dahil lumulubog na ang mga ito sa sarili niyang katawan. Hanggang sa maging bilog na bilog na siya na tila isang perpektong bilog. Buhat sa kamang hinihigaan niya ay bigla na lamang siyang gumulong at nagpatalbog talbog sa sahig. Kinabukasan, laking pagtataka ng kanyang mga magulang nang hindi pa siya lumalabas sa silid samantalang oras na ng kanilang almusal. Laking gulat ng mga ito ng hindi matagpuan si Ambo, at sa halip ay isang hindi pamilyar na bagay ang kanyang nakita. Ito ay marahan pa ring tumatalbog at gumugulong gulong sa sahig. Subalit hindi niya iyon pinag-ukulan ng pansin dahil sa lubos na pag-aalala sa kanyang nawawalang anak. Ilang araw pa ang nakalipas ngunit nanatiling nawawala si Ambo, ang kanyang anak. Hanggang nang muli siyang pumasok sa silid ng anak dahil sa pangungulila at doon niya napansin na kakulay ng damit ni Ambo ang kulay ng telang nakabalot sa bilugang bagay na iyon. Niyakap niya iyon at naisip na lamang niya na iyon ang kinahinatnan ng kanyang anak dahil sa katigasan ng ulo nito.Hindi naglaon, may isang batang paslit at bulol ang nakatuwaan ng nanay ni Ambo dahil sa pangungulila at nabanggit niya ang pagkawala nito at laking gulat niya ng ulitin nito ang pagkasabi niya na “nawawala si Ambo ngunit dahil bulol ang bata ay puro dulo lang ng salita ang nabigkas nito gaya ng “Bo? La? Bo? La? At sa paglaon ay tinawag nila itong bola.

BY: Cristina M. Villanueva

Alamat ng Buhangin

Sa isang malayong lugar ay may isang maliit na bayan na kung tawagin ay Malasmas, ang bayang ito ay hindi gaanong kahali-halina na tila ba napaglipasan na ng panahon sa kadahilanang maliit lamang ito, hindi abot ng kuryente at may kakulangan sa mga kagamitan. Ang kinabubuhay ng mga tao dito ay pangingisda dahil may kalapitan ito sa karagatan. Pero hindi alintana ng mga tao ang kahirapan dahil maganda ang samahan nila, nagtutulungan sila at nagbibigayan. Ang kahirapan sa lugar na ito ay natuldukan nang dumating ang isang lalaking hindi katandaan, na tila ba kumikinang-kinang dahil sa mga alahas na suot nito na nagngangalang Burgos. Siya ang nagdala ng modernisasyon sa bayan ng Malasmas. Nagkaroon na ng mga makabagong kagamitan at ibang trabaho ang mga mamamayan. Isang araw ay naisipan na naman niya magpatayo ng isang pabrika na malapit sa dagat ngunit may nagsabi sa kanya na may masamang maidudulot ito sa dagat at sa mga tao dahil sa usok at duming ilalabas nito. Ngunit walang pakialam si Burgos sa ibang tao at ang mahalaga lang sa kanya ay maipatayo iyon upang lalong dumami ang kanyang kayamanan. Balak niyang paalisin ang mga taong nakatira sa lupang pagtatayuan ng pabrika. Hindi iyon ang unang pagkakataon na magpapaalis siya ng mga tao sa kanilang tirahan. At dahil sa kayamanan at kapangyarihan niya ay marami siyang kuneksyon kaya hindi mahirap para sa kanya na ang gawin ang mga ganoong bagay. Sa kanyang pananaw, ayos lang na palayasin ang mga tao dahil pwede niyang gawin ang kahit ano dahil malaki ang utang na loob ng mga ito sa kanya dahil bumuti ang pamumuhay nila nang dumating sa bayan ang modernisasyon at dahil na din sa kadahilanang ang tingin niya sa sarili niya ay napakataas at napakamakapangyarihan at mga taong iyon ay maituturing lamang na mga alipin.
At dumating na nga ang araw na sisimulan na ang pagpapagawa nito, nanlaban ang mga taong bayan at may ilang nasawi dahil sa pagtatanggol sa kanilang lupain at sarili. Sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay ang mga ito, sila ay pinalayas sa kanilang mga tirahan. Maya-maya ay may lumapit kay Burgos na isang matandang babae at nagmamakaawang huwag siyang palayasin doon. Lumuhod ito sa harapan niya ngunit pinagtabuyan siya nito, hinamak at dinuro. Tumalikod si Burgos at sa muling pagtingin niya sa matandang babae ay bigla na lamang itong nagliwanag at nagbagong anyo. Isang nagliliwanag na magandang diwata ang kaniyang nakita. Pinarusahan siya ng diwata dahil nagalit ito sa kanya dahil mapagmataas siya at nantatapak ng ibang tao. Ikinumpas niya ang kanyang kamay, biglang lumakas ang hangin at nadala si Burgos nito at unti-unting nag-iba ang anyo niya at naging maliliit na butil. Mula noon ang katawan ni Burgos na nadala ng hangin at naging mga butil ay tinawag na buhangin.

ang alamat ng pinggan

Ang batang si ping ay isang batang mapili sa pagkain, hindi siya kumakain ng basta bastang pagkain, hindi sya kumakain ng gulay at mga prutas. Dahil nga sa sila ay mai kaya sa buhay mga piling pagkain lamang ang kanyang kinakain, tulad ng mga pritong karne at ung masasarap lang talaga. Ngunit hindi pa sya kontento doon. Kapag ayaw na niya ay tinatapon na lamang niya ang pagkain. Hindi niya alam ang kahalagahan ng pagkain. Isang araw may batang nanghingi sa kanya ng pagkain, at imbis na bigyan niya ang bata ay itinapon niya ang kanyang kinakain sa basurahan. Isang gabi nanaginip siya na hinahabol daw sya ng mga pagkaing itinapon at inaksya niya. Pagka gising nya ay parng walang nangyari. Lumipas ang madaming araw ay patuloy parin sya sa kanyang gawain. At dumating ang isang araw na mai lumapit sa kanyang isang babaeng mai tultk tulak na karetela at nag aalok ng libre tikim na putaheng gulay, binigyan sya ng babae ng pagkaing ito. Ngunit imbis na kainiun nya ito ay itinapon niya ito sa basurahan . Paguwi nya ng bahay nadatnan nyang gulay ang ulan nila ngunit imbis na kainin nya ito, ay pinakain niya ito sa kanyang alagang aso . Sumapit ang gabi at handa na syang matulog. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay nanaginip muli sya. Sa kanyang panaginip ay mayroong isang diwata ng mga pagkain, at kasama nito ang mga pagkaing inaksaya nito,umiiyak sila at galit na galit sa batang si ping. Nag pasya ang diwata na parusahan si ping upang matuto ito na leksyon, sambit na diwata ang mga katagang "Ping, Ping, Ping, dahil sa pag uugali mong iayn ay pinarurusahan kita, gagawin kitng isang bagay na lahat ng klase ng pagkain ay matitikman mo at hindi ka makakatangging kainin ito, biglang may lumabas na liwanag. Kina umagahan namulat sya na nasa ibang lugar siya. Nakita niyang papalapit sa kanya ang kanyang ina,sumiagaw ito ngunit kahit anong lakas ng sigaw nito ay hindi prin sya marinig na kanyang ina. Dimanpot siya ng kanyang ina, pagka tapos ay nilagyan nia ito ng ibat ibang pagkain tulad ng gulay at prutas. Sumigaw sya ng malakas ngunit wala na syang ngawa.At doon nagumpisa ang pinggan.(END)


BY:Suzzane Dianne Villeta

Alamat ng Relo

ALAMAT NG RELO


Noong unang panahon ang mga tao ay wala pang muang sa mga paligid nila. Hindi sila nagaalala sa lahat ng bagay. Wala silang oras na tinatawag. Kung kelan nagugutom dun sila kumakain dahil ang alam lang ng tao ay araw at gabi.
Gabi ibig sabihin ay kailangan nang matulog at araw naman kung kailangan nang bumangon. Wala ding oras sa pamamahinga at pagbubungkal ng lupa.
Sa isang malayong lugar may isang pamilya na si Juan, Maria at ang kanilang mga anak. Ang pagsasaka at paghuhuli ng isda ang kanilang ikinabubuhay. Nagtataka ang ama kung bakit may oras na ang mga anak ay nagugutom at kailangan nang kumain. Dahil may ang king katalinuhan ang ama ay inobserbahan niya sa pamamagitan ng kanyang anino sa kadahilanang kung di niya ito gagawin wala na silang matitirang pagkain. Pag wala na siyang anino doon niya kailangan pakainin ang mga anak niya, pag tuwid ang anino dun naman ang hapunan at sumasapit na ang dilim kaya ang anino niya ang kanyang naging basihan ng oras ng araw. Ang mga kalapit bahay niya ay nagtataka kung bakit sila ay maginhawa sa buhay nila, hindi naman nagmaramot si juan. ibinihagi niya ang kanyang kaalaman. Mula noon ito ay kumalat sa kanilang lugar at sinusunod ng mga tao na ikinaginhawa nila. May oras na sila sa agahan, pagsasaka, tanghalian, sa pamamahinga at hapunan. Na sa kalaunan ay dahil sa siyensiya at kaalaman ng tao ang anino ay nilagyan nila ng numero mula isa hanggang labindalawa.
Napalawak na ang kaalaman at nagkaroon na ng mga makinariya kaya ang orasan ay naisusuot na sa kamay at naisasabit sa dingding, na ito ay tanda kung ano ang mga gawain sa araw araw.


By: Glenn Lorenzo P. Torres


Friday, July 4, 2008

ALAMAT NG SUKLAY

Noong unang panahon,sa isang baryong Marikit,ang laht ng mga kadalagahan ay nagpapasiglahan sa pagpapahaba ng kanilang buhok.Sa isang dako ng baryo,may isang mala-anghel sa kagandahan ang dinadayo ng ligaw ng mga kabinataan.ngunit,ang kagandahang ito ng dalaga ay hindi masilayan ng sinumang nagnanais na siya'y makita dahil sa kanyang mahabang buhok na nakatakip sa kanyang mga mata.Bubad ang kanyang pangalan..
Maraming kalalakihan ang sumubok na siya'y angkinin ngunit sila ay nabigo.May sumpa kay Bubad na hindi niya maaaring ipakita ang kanyang kagandahan sa lalaking hindi sigurado kung nagmamahal ng tunay dahil kapag pinakita niya ito sa taong hindi tapat ang pag=ibig sa kanya,ang lalaki ay mamamatay.
Lumipas pa ang mga panahon,habang si Bubad ay nakaupo sa ilalim ng puno ng kawayan,may isang lalaking dumaan at nagsabi,"Bakit nakatago ang iyong mukha sa iyong buhok?"Yumuko si Bubad at ngumiti ng palihim."Napakatamis ng iyong mga ngiti kung ito ay hindi mo ipagdadamot.."dagdag pa ng lalaki.Gumaan ang loob ni Bubad dahil tanging ang binata lamang ang nakapansin sa kanyang ngiti..
Sa pagdaan pa ng mga araw,naging matalik pa silang magkaibigan ni Rafael.Naging madalas ang kanilang pagsasama at pagkikita hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob nila sa isat isa."Mahal na mahal kita Bubad,wala akong takot sa aking sarili.alam kong hindi ako mamamatay kapag hindi mo pinagkait ang iyong kagandahan.".Nag isip si Bubad na mabuti..mahal na mhal niya nadin si Rafael ngunit natatakot siyang baka hindi tapat ang pagmamahal nito sa kanya at ito'y mamatay lamang."Sa ika-7 ng gabi,hihintayin kita sa aming bahay.Ito ay aking kaarawan.."pasya ni Bubad.
Nag isip ng magandang regalo si Rafael kay Bubad..Habang siya ay nagmamasid sa paligid.Pumulot siya ng mga maliliit na sanga galing sa puong kawayan.Pinagtagpi tagpi niya ito.at nabuo ang isang tangkay na animoy may maliliit na ngipin..at tinawag niya itong pang-sangkay sa buhok ni Bubad.
Sa kaarawan ni Bubad,iniabot niya ang pang-sangkay kay Bubad.Humarap ito sa salamin at sinuklay ang buhok na nakahawi sa mukha.Tila isang anghel ang nasilayan ni Rafael.At hindi nagkatotoo ang sumpa.Hindi namatay si Rafael.Kaya't masayang masaya silang nagmahalan.."Dahil sa pang-sangkay na ito kaya't natutunan kong ipakita ang aking sarili sa iba at magtiwala.."mungkahi ni Bubad..Di naglaon,ang pang sangkay ay inawag nadin na SUKLAY..
BY:MARIA PAULA URAYAN
BSN 2-8

Alamat ng Pusa


Alamat ng Pusa
Sa isang baryong ‘di kalayuan ay may natatanging napakagandang dalagang naninirahan dito. Ayon sa mga sabi-sabi ng mga kabaryo nito at sa mga ibang nakakasaksi, ang dalaga daw sa kasikatan ng araw ay nagniningning sa kanyang taglay na kagandahan ngunit tuwing sasapit daw ang dilim ay nag- iibang anyo ito at nagiging isang matandang ibang- iba sa kaitsurahan niya kapag umaga. Ngunit walang makapagsabi kung ang babae ay isang diwata ba o isang mangkukulam. Sapagkat ang nasabing babae ay may angking galing sa pagluluto at may taglay na busilak na puso. Ngunit sinumang gumawa ng hindi mabuti sa kanya ay nagtatamo ng mga sumpang hindi maipaliwanag. Mabuti naman ang pakikisama at pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kabaryo kaya’t ‘pag minsan ay ipinagluluto niya ang mga ito ng kanyang mga masasarap na gawang pagkain. Nagtitinda din ang dalaga ng mga pagkaing luto niya at karamihan pa sa mga taga malayong lugar ay dumarayo sa kanya para lamang matikman at malasahan ang kanyang mga pagkain. Ganoon na lamang ang kanyang husay sa pagluluto. Nagbulong-bulungan ang magkakabaryo at kung ano-ano ang pumapasok sa kanilang isipan sapagkat tuwing sasapit ang gabi ay nagliliwanag ang kanyang tahanan maging ang buong kapaligiran. Kakaibang liwanag ito kung kayat ito ang nagpapagulo sa isipan ng mga kabaryo. Marahil raw ang mga pagbabago sa kanyang kaanyuan ay may kinalaman sa kanyang pagluluto ng masarap na pagkain.
Isang araw sa kanyang pagbubukas ng kanyang tindahan ay may napansin siyang isang lalaking napakadungis na animoy hindi man lamang nanliligo ay umaaligid at nag-aabang sa kanya. Hindi siya nagustuhan ng mga taga nayon sapagkat kung ito ay magkikilos ay napakayabang. Nagkunwari ang dalaga na hindi niya ito napansin at siya ay pumasok sa kanyang tahanan upang kuhanin ang mga naiwang gamit doon. Nagulat siya nang sinilip niya sa bintana ng kanyang tahanan ang lalaki. Kitang kita niya na kinakain ng lalaki ang kanyang mga lutong pagkain at sa kanyang paglabas ay dali-daling nagtatakbo ang lalaki dala ang iba pang mga pagkain. Hinabol niya ito ngunit hindi na niya naabutan ang lalaki. Pinalampas na lamang niya ang pangyayaring iyon. Ngunit kinabukasan ay nandoon na naman ang lalaki. Pumasok muli siya sa kanyang tahanan. Inabangan niya ito at ganoon na naman ang nangyari. Dahil sa kabaitan nito ay wala parin siyang ginawa sa lalaki. Ngunit kinabukasan ay hindi na nakapagtimpi ang dalaga. Nagalit siya, lumakas ang ihip ng hangin at nag ibang anyo siya na naging isang matandang babae. Itinapat ng matandang babae ang kanyang sandok sa lalaki at isinumpang maging isang pusa.
“Kaya ngayon ay pusa” ang wika ng matandang babae. Isa kang taong hindi marunong maligo, walang sipag upang makakain at ibig na ibig mo ang manguha ng pagkaing hindi sa iyo, ngayon ay ginawa kitang pusa at hahayaang magpagala-gala.

By: Arianne Wagan


Alamat ng "BOKNAY"

Isang palasyo ang nakatayo sa isang liblib na kagubatan na ang tanging naninirahan ay ang maginang Reyna Inay at Prinsesa Nene. Masaya silang naninirahan roon kahit na pumanaw na ang mabait at mapagmahal na si Haring Itay. Tanging mga katulong at kawal lamang ang kanilang kasama para maproteksyunan sila.
Masayang naghahapunan noon si Reyna Inay at Prinsesa Nene. Nagkwekwentuhan habang kumakain ng iba't-ibang putahing talagang namang nakakatakam. Nagtatawanan at naghahagikhikan ang mag-ina sa kani-kanilang kwento. Pagkatapos nilang maghapunan umakyat sila sa sari-sarili nilang kuwarto upang makapagpahinga. Ngunit kahit anong gawin ni Prinsesa Nene ay hindi man lang siya makaramdam ng antok. Kaya naisipan niyang pumunta sa silid ng kanyang ina upang makipagkwentuhan ulit. Samantalang ang kanyang ina ay nakaharap sa animo'y higanting salamin at nag-aayos ng kangyang sarili. Lumapit siya at tinanggal ang pamuyod na hugis bilog na may nakapalibot na lambat dito upang masalo ang maitim, malusog at napakahabang buhok ng kanyang ina. Pagkatanggal nito ay sinuklay niya at hinaplos-haplos hanggang sa nakaramdam siya ng pagkaantok. Naisipan niyang bumalik sa kanyang kwarto. Ngunit nung malapit na siya sa pinto ay tinawag siya ng kanyang ina at sinabi "Hija sayo na lamang ang pamuyod na ito na binigay pa sakin ng iyong ama, sapagkat napapansin ko na masyado ng mahaba ang iyong buhok at hirap ng ilugay." Laking tuwa naman ito ng prinsesa at nagpasalamat ito sa kanyang inay at nagpaalam. Nagpahinga na si Prinsesa Nene na may ngiti sa kanyang labi. Hating-gabi na, nang biglang nagising ang prinsesa at napansing may taong umaaligid sa kanilang palasyo. Lumabas siya upang tingnan, may tao nga! Ngunit walang mga kawal sa lugar na iyon kaya nilapitang niya. Tumakbo ito at sinundan niya, hinanap, malayo na siya sa palasyo sapagkat hindi na niya ito matanaw. Nasa kagubatan na siya naliligaw! Nahingi ng tulong! Umiiyak! Ngunit walang nakakarinig. Araw-gabi naghahanap siya ng mapagtatanungan sapagkat kagubatan walang mga naninirahan. Hindi niya alam ang tamang daan pabalik sa palasyo. Napagod siya kaya nagpahinga ang prinsesa sa may tabing ilog, may nakakapa siya sa kanyang bulsa ang pamuyod ng kanyang ina. Naisip niya ang kanyang ina ang matatamis na ngiti ng kanyang ina. Ang maitim at napakahaba buhok ng kanyang ina. Naiiyak siya, hanggang sa tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang sinasabi "BUHOK NI INAY." Iyak siya ng iyak walang humpay na pag-iyak hanggang sa kanyang pag-iyak ay napahikbi siya at nasabi niyang "BOKNAY." Ngunit di nagtaggal ay nahanap siya ng kanilang mga kawal at iniuwi sa palasyo at doon nagsimula ang salitang "BOKNAY."


BY: KRISTINE JOY URZO

Wednesday, July 2, 2008

bunga

bungang isip na isinatitik ang diwa ng blog na ito.