Friday, July 4, 2008

Alamat ng "BOKNAY"

Isang palasyo ang nakatayo sa isang liblib na kagubatan na ang tanging naninirahan ay ang maginang Reyna Inay at Prinsesa Nene. Masaya silang naninirahan roon kahit na pumanaw na ang mabait at mapagmahal na si Haring Itay. Tanging mga katulong at kawal lamang ang kanilang kasama para maproteksyunan sila.
Masayang naghahapunan noon si Reyna Inay at Prinsesa Nene. Nagkwekwentuhan habang kumakain ng iba't-ibang putahing talagang namang nakakatakam. Nagtatawanan at naghahagikhikan ang mag-ina sa kani-kanilang kwento. Pagkatapos nilang maghapunan umakyat sila sa sari-sarili nilang kuwarto upang makapagpahinga. Ngunit kahit anong gawin ni Prinsesa Nene ay hindi man lang siya makaramdam ng antok. Kaya naisipan niyang pumunta sa silid ng kanyang ina upang makipagkwentuhan ulit. Samantalang ang kanyang ina ay nakaharap sa animo'y higanting salamin at nag-aayos ng kangyang sarili. Lumapit siya at tinanggal ang pamuyod na hugis bilog na may nakapalibot na lambat dito upang masalo ang maitim, malusog at napakahabang buhok ng kanyang ina. Pagkatanggal nito ay sinuklay niya at hinaplos-haplos hanggang sa nakaramdam siya ng pagkaantok. Naisipan niyang bumalik sa kanyang kwarto. Ngunit nung malapit na siya sa pinto ay tinawag siya ng kanyang ina at sinabi "Hija sayo na lamang ang pamuyod na ito na binigay pa sakin ng iyong ama, sapagkat napapansin ko na masyado ng mahaba ang iyong buhok at hirap ng ilugay." Laking tuwa naman ito ng prinsesa at nagpasalamat ito sa kanyang inay at nagpaalam. Nagpahinga na si Prinsesa Nene na may ngiti sa kanyang labi. Hating-gabi na, nang biglang nagising ang prinsesa at napansing may taong umaaligid sa kanilang palasyo. Lumabas siya upang tingnan, may tao nga! Ngunit walang mga kawal sa lugar na iyon kaya nilapitang niya. Tumakbo ito at sinundan niya, hinanap, malayo na siya sa palasyo sapagkat hindi na niya ito matanaw. Nasa kagubatan na siya naliligaw! Nahingi ng tulong! Umiiyak! Ngunit walang nakakarinig. Araw-gabi naghahanap siya ng mapagtatanungan sapagkat kagubatan walang mga naninirahan. Hindi niya alam ang tamang daan pabalik sa palasyo. Napagod siya kaya nagpahinga ang prinsesa sa may tabing ilog, may nakakapa siya sa kanyang bulsa ang pamuyod ng kanyang ina. Naisip niya ang kanyang ina ang matatamis na ngiti ng kanyang ina. Ang maitim at napakahaba buhok ng kanyang ina. Naiiyak siya, hanggang sa tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang sinasabi "BUHOK NI INAY." Iyak siya ng iyak walang humpay na pag-iyak hanggang sa kanyang pag-iyak ay napahikbi siya at nasabi niyang "BOKNAY." Ngunit di nagtaggal ay nahanap siya ng kanilang mga kawal at iniuwi sa palasyo at doon nagsimula ang salitang "BOKNAY."


BY: KRISTINE JOY URZO

1 comment:

Panitikan BSN2-8 said...

pls leave me some comment.. salamat sa pagbasa ng alamat sana may natutunan kayong aral na "HUWAG SUMAMA O MAKIPAG_USAP SA MGA TAONG HINDI MO KAKILALA.. =) salamat

by:kristine joy urzo