Saturday, July 5, 2008

Alamat ng Bola

Sa isang liblib at malayong pook, may isang mayamang mag-asawa na pinagkalooban ng isang napakalusog na batang lalaki, katangi- tangi ang batang ito dahil siya ay sobarang bilugan. Ang batang ito ay nagngangalang AMBO ngunit mas kilala siya sa tawag na BO. Habang siya ay tumatanda,hindi siya tumangkad at sa halip ay lalong bumibilog. Ngunit hindi niya ito alintana dahil sa pagkasabik at kasayahan na nadarama niya sa tuwing makakakita siya ng maraming pagkain sa kanilang hapag-kainan. Dahil sa pagiging anak- mayaman, hindi siya gumagawa sa kanilang tahanan kahit ng mga simpleng bagay lamang. Hindi rin siya masyadong lumalabas sa kanilang tahanan dahil tamad siyang magpalakad-lakad. Halos na lang yata ng Gawain ay inaasa niya sa mga kasambahay. Wala siyang ginawa kundi ang kumain na naging dahilan ng kanyang tuloy-tuloy na paglobo. Hindi niya pinakikinggan ang lahat ng mga paalala ng kanyang mga magulang na labis ng nag-aalala sa kalagayan ni Bo. Isang gabi, maraming pagkain ang nakalabas sa lamesa ng kanilang kusina,kinuha niya ang mga ito at dinala sa kanyang silid ng hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang. Subalit nakita siya ng isang katulong at hiniling n asana ay mabigyan ng leksiyon si Ambo. Ngunit hindi ito napansin ni Ambo at sa halip ay kumain siya ng kumain hanggang sa maramdaman niya na tila nilalamon ng kanyang katawan ang kanyang mga kamay at mga paa,pati na rin ang kanyang ulo dahil lumulubog na ang mga ito sa sarili niyang katawan. Hanggang sa maging bilog na bilog na siya na tila isang perpektong bilog. Buhat sa kamang hinihigaan niya ay bigla na lamang siyang gumulong at nagpatalbog talbog sa sahig. Kinabukasan, laking pagtataka ng kanyang mga magulang nang hindi pa siya lumalabas sa silid samantalang oras na ng kanilang almusal. Laking gulat ng mga ito ng hindi matagpuan si Ambo, at sa halip ay isang hindi pamilyar na bagay ang kanyang nakita. Ito ay marahan pa ring tumatalbog at gumugulong gulong sa sahig. Subalit hindi niya iyon pinag-ukulan ng pansin dahil sa lubos na pag-aalala sa kanyang nawawalang anak. Ilang araw pa ang nakalipas ngunit nanatiling nawawala si Ambo, ang kanyang anak. Hanggang nang muli siyang pumasok sa silid ng anak dahil sa pangungulila at doon niya napansin na kakulay ng damit ni Ambo ang kulay ng telang nakabalot sa bilugang bagay na iyon. Niyakap niya iyon at naisip na lamang niya na iyon ang kinahinatnan ng kanyang anak dahil sa katigasan ng ulo nito.Hindi naglaon, may isang batang paslit at bulol ang nakatuwaan ng nanay ni Ambo dahil sa pangungulila at nabanggit niya ang pagkawala nito at laking gulat niya ng ulitin nito ang pagkasabi niya na “nawawala si Ambo ngunit dahil bulol ang bata ay puro dulo lang ng salita ang nabigkas nito gaya ng “Bo? La? Bo? La? At sa paglaon ay tinawag nila itong bola.

BY: Cristina M. Villanueva

No comments: